KILALANG VLOGGER, NANG-ABANDONA NG ASO? HAKA-HAKA KAY ZEINAB HARAKE, NETIZENS NAGNGINGITNGIT!


Nag-viral kamakailan ang post ng kilalang social media veterinarian na si Doc Ferds Recio, kung saan ibinahagi niya ang kwento ng isang aso na na-confine sa kanilang klinika dahil sa blood parasitism. Ayon kay Doc Ferds, ang aso ay dinala ng isang “well-known vlogger”, ngunit matapos ang gamutan at ang confinement fee na umabot sa ₱15,000, iniwan na lang ito ng naturang vlogger at tumangging bayaran ang gastos.

Sa kabutihang palad, isang mabuting tao ang sumalo sa responsibilidad at nagkupkop sa aso. Ngayon, ang aso ay nasa ligtas na tirahan at masigla nang namumuhay. Ngunit ang tanong ng mga netizens: Sino ang naturang vlogger?

Bagama't hindi pinangalanan ni Doc Ferds ang vlogger, mabilis na naglabasan ang mga haka-haka sa social media. Ilan sa mga kilalang pangalan na binabanggit ng mga netizens ay sina Zeinab Harake

Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon o ebidensya na nagpapakita na may kinalaman nga sina Zeinab sa naturang insidente. Sa kabila nito, patuloy na nag-trend ang kanilang mga pangalan sa iba't ibang social media platforms.

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang galit, pagkadismaya, at pagtataka ukol sa pangyayaring ito:

Galit sa Vlogger:

“Grabe naman! May pera pang mag-vlog pero ayaw bayaran ang ₱15,000 para sa aso? Walang puso!”

“Kung hindi ka handang alagaan ang aso, bakit mo pa dinala sa clinic? Nakakagalit talaga!”

“Fame over responsibility? Hindi ka dapat nag-aalaga ng hayop kung hindi ka handang panindigan.”

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section