Ang tao ay may mga kakayahan na sadyang nakakapagpabago ng pang araw araw na buhay. Mga kakayahang nagbibigay gaan sa ating mga gawain at nakakatuwang gamitin o gawin lalo pa kung kulang ang mga kagamitang nasa paligid.
Nandiyan ang mga paaran kung paano matanggal ang bara sa mga lababo at paano matunaw ang yelo sa iyong sasakyan sa mabilis na paraan kung ikaw ay nasa malamig na bansa. Pagluto ng kulang ang kagamitan o paglilinis ng kalan nang hindi nagpapakapagod sa pag kukuskos ng dumi.
Read also: Madiskarteng Pinay, Kumikita Sa Pagpila Sa Mga Resto Para Sa Mga Ayaw Maghintay Ng Matagal
Ngayon naman, amin kayong bibigyan ng mga bagay na maari niyong idagdag sa listahan ng inyong mga kaalaman.
Posibleng mabuksan o makuha ninyo ang mga nilalaman ng de latang pagkain kahit pa wala kayong pambukas na sadyang gawa para dito o mas kilala bilang ”can opener”.
Isang paraan na maari nating ipagpasalamat mula sa matalino at magaling na ”tutorial video” mula kay Dave Hax. Isang “channel” sa “YouTube” na nakatuon sa mga “hacks” sa buhay at mga “tricks” sa mga proyektong “DIY” o proyektong personal mong gagawin.
Sa loob ng humigit kumulang na dalawang minutong “video” na ito, ipinapakita ng tagapagsalaysay sa mga manonood kung paano magbukas ng lata sa pamamagitan lamang ng isang kutsara at walang humpay na pisikal na pagpupursigeng mabuksan ito.
Gamit ang tamang anggulo at presyon, maaari kang lumikha ng isang maliit na pagbubukas sa taas ng lata. Kapag nagawa mo na iyon, maaari mong gamitin ang kutsara upang mapalawak ang pagbubukas. Ngunit paka tandaan na dapat mag-ingat - ang pamamaraang ito ay lumilikha ng sobrang matalim na mga gilid na hindi malayong magdulot ng aksidente o pag sugat sa iyong balat.
Tipikal na ang mga taong nagpupunta sa bundok o kagubatan (o mas kilala bilang “campers”) ay laging nangangailangan ng mga pagkaing madaling lutuin o kainin.

Maging sa mga tagapag lutong laging “on the go” o nagmamadali at walang panahong mag hanap ng “can opener”, ang pamamaraan na ito ay sadyang laking tulong sa kanila o sa kahit na sinong nagugutom at may de latang hawak. Manood at matuto sa pamamagitan ng pag-click sa video sa itaas.