Ang Kimchi ay isang tanyag na lutuin sa Korea. Ito ay isang tradisyonal na bahagi ng ulam na nilalagyan ng asin at mga ”fermented” na gulay, tulad ng napa repolyo at labanos mula sa Korea. Ito ay may malaki at malawak na seleksyon ng mga kasamang panimpla katulad ng gochugaru, scallions, bawang, luya, jeotgal, at iba pa.
Ang Kamchi ay puno din ng mga bitamina A, B, at C, ngunit ang pinakamalaking pakinabang nito ay maaaring nasa "malusog na bakterya" na tinatawag na lactobacilli, na matatagpuan sa mga pagkaing may ”fermented” na pagkain gaya nga ng kimchi.
Nakakatawa mang isipin pero tipikal na rin sigurong impormasyon na ang kimchi ay may isang mahusay na paraan upang mailabas ang mga laman o dumi ng tiyan. Kumbaga, pag kumain ka nito, hindi malayong ikaw ay mag “number 2”. Dahil na rin siguro sa maraming mga benepisyo nito sa ating bituka.
Pero natuklasan din ng mga siyentipiko na ang kimchi ay maaaring makatulong upang mapigilan ang pagkawala ng buhok.
Sinabi ng Daily Mail na ang mga mananaliksik sa Dankook University ay gumawa ng isang pag-aaral sa 23 kalalakihan sa pamamagitan ng paghiling sa kanila na uminom ng isang kimching inumin na ibinebenta sa South Korea (sinubukan naming maghanap dito sa Pilipinas pero wala talaga kaming makita ganiton inumin). Ang ilan sa mga ito ay nasa mga unang yugto ng pagkawala ng buhok habang ang iba naman ay nakakalbo na.
Ang mga tagubilin para sa pag-aaral na ito ay talagang simple lang: uminom ng isang kimching inumin bago mag-almusal at bago matulog.
Bago ang pag-aaral na ito, ang average na bilang ng mga buhok sa mga kalalakihan ay 85 bawat sq cm. Matapos ang isang buwan, tumaas ito sa 90. At sa 4 na buwan, nasa 92 na buhok ang tumubo sa bawat sq cm.
Read also:Madiskarteng Pinay, Kumikita Sa Pagpila Sa Mga Resto Para Sa Mga Ayaw Maghintay Ng Matagal
Nailathala sa The World Journal of Men's Health ang mga pagaaral na ito, kung saan sinabi din nila na ito ay isang makabuluhang pagtuklas at sadyang totoo ang pagdami o pagtaas ng paglago ng buhok. At sadya ring napipigilan nito ang pagkawala ng buhok sa karamihan ng mga kalalakihan.
Kung ikukumpara, ang mga kasalukuyang gamot, ay may mga “side effects” o epekto na maaring hindi maganda sa katawan at madalas ay pang samantala lamang. Di tulad ng kimchi na kung ihahambing ay mas mabuting pamamaraan ng pagpapatubo ng buhok. Dahil maliban nga sa napipigilan nito ang pag kalbo, maari pa siyang kainin nang walang hanggan.
Sinabi din ng mga eksperto na ito ay isang mas ligtas na diskarte na paggamot para sa mga pasyenteng nawawalan na ng buhok.
Ito nga ba ang sikreto ng magagandang buhok ng ating nag gagandahan at nagagwapuhang idolo mula sa Korea
Kaya ba sadyang kakaiba ang dating ng ating mga “Oppas”? Malamang, mula ngayon, marami na ang kakain ng kimchi dahil higit sa kakaibang nakakaengganyong lasa nito, maganda rin ang naidududlot nito sa ating katawan lalo na sa pag lago ng ating buhok.