DAVAO CONYO BINASH SA DAVAO! INDAY SARA, PINATULAN ANG KRITIKO NG COVID RESPONSE AT LIQUOR BAN!


Noong 2020, nag-trending ang social media personality at content creator na si Davao Conyo matapos siyang maging vocal sa kanyang mga opinyon laban sa administrasyon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte (PRRD) at sa mga polisiya sa Davao City, kabilang na ang isyu ng COVID-19 response at ang liquor ban sa syudad.

Sa kanyang mga social media posts, tahasang sinabi ni Davao Conyo na:

“Hindi sapat ang tugon ng administrasyon sa COVID-19.”

“Kultura ng karahasan” ang ipinapakita ng ilang polisiya ng lokal at pambansang pamahalaan.

“Ang liquor ban ay hindi malinaw kung talaga bang epektibo o credible.”

Ang pahayag na ito ay hindi pinalampas ng noo'y alkalde ng Davao City na si Inday Sara Duterte, na tahasang pinatulan ang statement ni Davao Conyo. Sa kanyang tugon, tila nagbigay pa si Inday Sara ng hudyat sa mga Davaoeño na patulan o kontrahin ang nasabing content creator. Marami ang nakapansin na tila hindi na kailangang i-single out si Davao Conyo sa isyung iyon.

Ayon sa ilang netizens at mga chika, may personal na koneksyon si Davao Conyo sa pamilya Duterte dahil naging schoolmates siya ng isa sa mga miyembro ng pamilya, na noon ay nagkaroon pa ng debut photoshoot sa Malacañang.

Dahil sa matinding backlash at boycott mula sa mga Davaoeño, naapektuhan ang social media presence ni Davao Conyo. Ikinuwento niya sa ilang interviews na bumaba ang kanyang engagement at maraming bashers ang nagpadala ng masasakit na mensahe sa kanya. Gayunpaman, nanindigan si Davao Conyo sa kanyang mga sinabi.

Ayon sa kanya:

“Kahit may backlash, kailangan nating magsalita para sa tama. Hindi pwedeng manahimik lang kung may mali kang nakikita.”

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section