Liza Soberano, Ipinaliwanag Ang Dahilan Sa Likod Ng Pagsusuot Ng Maluluwag Na Damit


Inamin ng aktres na si Liza o Hope Soberano na sa kabila ng paghanga ng maraming tao sa kanyang mukha ay napakarami niyang mga insecurities sa kaniyang katawan. 

Sa Youtube channel ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ay naging guest niya si Liza. At dito ay inisa-isa ng aktres ang parte ng katawan niya na nagbibigay ng insecurities sa kaniya. 

Mapapansin sa vlog ni Dra. Belo na nakasuot ng malaking jacket si Liza na kaagad na pinuna ng mga netizens. Ngunit mapapansin na tila may kinalaman ito sa mga insecurities niya dahil ayon sa aktres, number 1 insecurity niya ang kaniyang timbang dahil madalas raw siyang ikumpara noon pa sa ibang artista na mas namamaintain ang maliit na pangangatawan.


Ayon sa kaniya, bagamat alam niya raw na healthy siya dahil sa kaniyang healthy diet at exercise. Hindi niya raw maiwasan ang maapektuhan sa tuwing pinupuna ng iba ang mabilis na pagdagdag ng kaniyang timbang. Inamin din ni Liza na naapektuhan ang kaniyang mental health nung kasagsagan ng rumors na diumano'y nagdadalang tao siya dahil lamang nadagdagan ng kaunti ang kaniyang timbang.

Dagdag pa umano dito ng showbiz industry na madalas siyang ikumpara sa iba. 


At dahil dito madalas nga raw siyang magsuot ng mga oversized na damit kagaya umano ng suot niyang jacket upang matakpan ang kaniyang katawan at maiwasang punahin ng mga tao.

Maliban dito, sinabi rin ni Liza na isa pa sa mga insecurities niya ay ang kaniyang balat lalo na umano sa may parteng legs. 


Nagsimula raw ito ng lumipat umano sila dito sa Pilipinas mula America at nanibago ang balat niya sa hangin ng bansa. Ayon pa kay Liza, nabully rin siya noon dahil dito at tinawag siyang hayop imbes hi Hope dahil mukha raw siyang galisin kagaya ng sa aso. 

Ikwenento rin niya na noong pumasok siya ng show business, isa rin sa pinuna ng mga bashers sa kaniya ay ang mga peklat umano niya sa tuhod at pagiging maitim nito na ikinukumpara rin sa iba.


Kaya naman nga hindi raw talagang maiwasan ang maapektuhan ang kaniyang mental health dahil sa mga insecurities niyang mga ito. 

Dagdag pa dto ang kaniyang iniisip na problema ngayon sa kaniyang  buhok kung saan patuloy daw ang pagnipis nito dala ng palagiang pagpapaayos ng buhok, stress at kakulangan sa tulog tuwing may trabaho sa showbiz.

Ngunit sa kabali nito, matapang na hinaharap ni Liza ang lahat ng insecurities niyang ito at hindi naman siya binibigo ng kaniyang mga fans na patuloy na pinupuri ang magagandang qualities na meron siya.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section