Walang kahit na anong bagay ang maaaring makapantay sa pagmamahal na ibinibigay ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Lahat ay gagawin nila para lamang mabigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.
Katulad na lamang ng tatay na ito na halos makuba na sa kakatrabaho masuportahan lamang ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Sa kabila ng hirap nito sa bukirin, hindi pa din ito tumigil sa pagsasaka para mabigay ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.
At dahil sa kaniyang kasipagan at determinasyon, nagawa niyang mapagtapos ang kaniyang walong anak. Lubos naman ang pasasalamat na kaniyang mga anak para sa kanilang ama dahil sa lahat ng sakripisyo nito maitaguyod lamang silang pamilya.
Sa Facebook post ng isa sa mga anak ni Tatay na si Jovy Cataraja-Albite, ipinahayag niya kung gaano siya nagpapasalamat para sa kaniyang mga magulang at sa mga sakripisyo na ginawa ng mga ito mapagtapos lamang silang magkakapatid at mabigyan ng magandang buhay. Ayon kay Jovy, hindi nila magagawang magkakapatid na matupad ang kanilang pangarap kung wala ang suporta na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga magulang.
Si Jovy naman ay ang panganay sa walong magkakapatid. Hindi naging madali para sa kanila ang pag-abot ng kanilang mga pangarap dahil nga sa kahirapan, ngunit tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na magsumikap at mag-aral ng mabuti nang sa gayon ay magkaroon sila ng magandang kinabukasan.
Naging inspirasyon din nila Jovy ang kanilang mga magulang, na parehas na magsasaka, sa pag-abot ng kanilang mga pangarap nang sa gayon ay maiahon nila ang mga ito sa hirap at mapalitan lahat ng sakripisyo na ginawa ng mga ito para sa kanilang walong magkakapatid.
Dahil sa tulong ng pagsasaka, unti-unti silang napag-aral ng kanilang mga magulang. Sa kabila ng mga sakit na nararamdaman ng kanilang ama sa likod nito dahil sa maghapong nakayuko sa pagtatanim, hindi ito naging hadlang para kay Tatay na masuportahan ang kaniyang mga anak. Kaya naman dahil sa kasipagan nito, nagawa ni Tatay na mapag-aral ang kaniyang walong anak sa kolehiyo.
Ang mga anak din ni Tatay ay nakapagtapos sa iba’t ibang kurso. Ang isa ay nakapagtapos ng kurso na nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher, at nautical.
Ngayon naman na matanda na si Tatay, lahat ng kaniyang mga anak ang siyang nag-aalaga sa kanila at binabalik lahat ng mga sakripisyo at hirap na kanilang ginawa mabigyan lamang ng magandang kinabukasan silang magkakapatid.
Talaga nga namang nakakamangha at nakakabilib si Tatay dahil nagawa niyang masuportahan ang kaniyang pamilya at bigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak. Hindi din naman sinayang ng walong anak ni Tatay lahat ng pera at sakripisyo ng kanilang ama sa kanila dahil nagawa nilang matupad ang isa sa mga pangarap nito – ang makapagtapos at makita sila na mayroon ng magandang buhay.