Isang OFW Naiyak Na Lamang Nang Regaluhan Ng Bahay Ng Dating Amo


Ang OFW na siguro ang isa sa pinakamahirap na trabaho. Maliban sa kailangan nilang makisama sa mga tao sa ibang bansa na mayroong ibang kultura, kailangan din nilang tiisin ang kanilang pangungulila sa kanilang mahal na buhay na naiwan sa Pilipinas.

Kaya naman ang ating mga OFW ay talagang nararapat na mabigyan din ng regalo dahil sa kanilang kasipagan at dedikasyon sa kanilang trabaho.

Kamakailan lamang isang dating OFW na si Angel ay nakatanggap ng isang regalo sa kaniyang amo.

Sa isang video na in-upload sa Youtube ng amo ni Angel na mayroong vlogger name na The Hungry Syrian Wanderer, ipinakita nito kung paano niya sinagawa ang gagawing surpresa sa masipag at loyal niyang empleyado.

Pinaghandaan talaga nito ang kaarawan ni Angel, kung saan kinuntsaba nya din ang iba pa nitong kasamahan.


At para nga naman maging espesyal pa lalo ang kaarawan ni Angel, niregaluhan ng amo si Angel ng isang bahay.

Sa kabilang banda, si Angel naman ay di makapaniwala at mangiyak-ngiyak na sa mga nangyayari. Lubos na pasasalamat ang kaniyang ginawad sa kaniyang mabait na amo.

Saad ng amo ni Angel na mas pinili niyang ibigay na regalo ang bahay kay Angel dahil alam niya na ito ang mas kailangan niya ngayon.

Samantala, ang amo naman ay nananatili sa Pilipinas at kahit nangungupahan lamang ang among ito, hind iyon naging problema sa kaniya dahil mas pinili niyang manatili sa Pilipinas dahil mahal niya ito.



Ang amo naman ay ayaw nang paalisin si Angel sa Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa dahil alam nito na dating OFW si Angel ng dalawang taon.

Balak din ng amo ng bigyan si Angel ng mga kagamitan na maaaring kailanganin sa bahay bukod pa sa regalong bahay na ibinigay nito.

Talaga nga naman na ang kasipagan at kabutihan ng isang tao ay masusuklian din ng kabutihan. Katulad na lamang ng kasipagan at dedikasyon ni Angel sa kaniyang trabaho kung saan ito ay nasuklian naman ng kaniyang amo na mayroong mabuting puso.
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section