Trending Na Pink Beach Sa Pilipinas Lang Pala Matatagpuan 2023

Pink-Beach-Sa-Pilipinas

Ang Pilipinas ay pinagpala sa maraming magagandang likas na yaman. Mapayamang lupa o yamang tubig ay talaga namang dinadayo ng madaming turista dito sa ating bansa.

Nagkaroon pa nga ng Motto ang Department of Tourism na “It’s More Fun in the Philippines” na napatunayan na mas masaya talaga sa Pilipinas dahil sa ganda ng ating kalikasan na siyang nagbibigay ng lakas sa ating turismo.

Read also: How To Join IAM Worldwide o Patok na Negosyo Kahit Nasa Bahay 2023

Ngayong taong 2023 ay paparating na din ang Summer o mga araw ng tag-init na isa sa mga season na mayroon tayo dito sa ating bansa. Sa season na ito ay mararanasan natin ang matinding init mula sa kapaligiran.

Department-of-Tourism

Sa panahon ding ito bukod sa pagdami ng mga turista sa ating bansa ay marami sa atin ang pumupunta sa mga beaches para maibsan ang init ng panahon.

Ikaw, may plano ka na ba this summer? Tara na tuklasin natin ang ganda ng Pink Beach sa Zamboanga!

Pink-Beach-sa-Zamboanga

Ang-Pink-Beach-na-ito

Ang Pink Beach na ito ay matatagpuan sa Zamboanga City na kung saan ito ay napasama sa 21 Best Beaches of the World ayon sa National Geographic. Ito rin ay kilala sa pangalan na Sta. Cruz Island at madalas na puntahan ng mga lokal at internasyunal na mga turista.

Sa angking kagandahan at kalinisan ng naturang beach ay talaga namang marerelaxed ang iyong kaisipan at katawan.

World-ayon-sa-National-Geographic

Ang beach na ito ay kilala sa bansag na"pink beach' dahil ang buhangin dito ay mapino at nahahaluan ng kulay na pink. Sinasabing ito ay galing daw sa tinatawag na “crushed red organ pipe coral” na tinatangay ng alon papunta sa dalampasigan.

Sa ngayon ay nililimitahan na lang ng lokal na pamahalaan ang pagpunta dito sa kadahilanang gusto nilang maprotektahan ang isla pagdating sa kalinisan at natural na kagandahan.

Kung gusto niyo na magpunta dito ay makipag-ugnayan muna sa kanilang Tourism Office at ipinagbabawal dito ang pagstay ng magdamag.
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section