8 Bagay Na Nagti-Trigger Ng Brain Anuerysm 2023


Nagti-Trigger-Ng-Brain-Anuerysm

Malaki na ang pinagbago ng ating panahon ngayon kung ikukumpara natin sa pamumuhay ng mga tao noong unang panahon. Sa paraan pa lamang ng pamumuhay ng mga tao noon, malulusog ang mga ito dahil hindi pa nauuso ang mga 'fast foods' at mga 'unhealthy diet' noon.

Sa pagkakadiskubre ng mga nabanggit, mas lalo ring dumami ang mga nadiskubreng komplikasyon sa ating katawan. Mas umikli na rin ang haba ng buhay ng tao ngayon.

Isa sa mga sakit na kadalasang rason ng pagkamatay ng isang tao ay ang stroke. Ito ay isang klase ng sakit na biglaan na lamang umaatake sa isang tao ng walang pasabi. Ngunit ano nga ba ang kadalasang dahilan ng isang stroke?

Isa-sa-mga-sakit-na-kadalasang-rason

Maliban sa mga hindi malusog na pamumuhay, ang mga taong may brain aneurysm na hindi nadidiskubre ay mas madaling tamaan ng stroke dahil sa mga ito.

Ayon sa Strok: Journal of the American Heart Association at Dr Monique H.M Vlak, ang gawaing ito ay hindi nagiging sanhi ng stroke sa karamihan ng mga tao ngunit sa iilang tao lamang.

Si Dr Vlak ay isang Neurologist sa University Medical Center sa Netherlands. Ang mga bagay na ito ay nagiging sanhi ng stroke para sa mga taong may brain aneurysm. Ayon sa pagsusuring isinagawa ni Dr Vlak at ng kaniyang mga kasamahan, napag-alaman nilang itong mga bagay na ito ang karaniwang nagiging sanhi ng stroke para sa mga taong may brain aneurysm:

1. Labis na pagkakape
2. Labis na pag-eehersisyo
3. Pagsinga
4. Pakikipagtalik
5. Pagpigil ng pagdumi
6. Pag-inom ng mga softdrinks
7. Pagkagulat
8. Pagiging magagalitin

Pagiging-magagalitin

Sa walong mga bagay na ito, kape at ang labis na pag-eehersisyo ang may pinakamataas na porsiyento ng tiyansang magkaroon ng stroke. Lahat ng mga bagay na ito ay nagiging sanhi ng pagtaas ng presyon ng dugo ng isang tao na maaaring magresulta sa stroke.

Ayon pa kay Vlak, bagamaĆ­t madaling matigil ang pag-inom ng kape, softdrinks at pagpigil ng dumi, ayaw niya namang tumigil ang mga tao sa pag-eehersisyo ngunit sana lamang ay maging kontrolado ito dahil isa rin ito sa mga paraan para maiwasan ang mga sakit sa puso.

Gayunpaman, maraming mga bagay na kapag nalabisan ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa ating katawan.
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

Ads Section